Tuesday, November 29, 2011

.Paskong Tag-init.

Malapit na pasko, pero ang init pa din ng panahon... naalala ko tuloy tuwing summer, ang sarap kumain ng mga malalamig na pagkain tulad na lamang ng halo-halo, ice cream, ice candy, ice drop, ice scramble, kahit nga ice tubig eh, at kung anu-anu pang may ice...

4/20/10 5:57PM - Chowking, Burgos, Ilocos Norte



Noon, basta kapag 'ber' month na eh, lumalamig na ang simoy ng hangin, hindi na rin gaano ang bagyo, at mabilis nang lumubog ang araw. Ngayong taon, napaka-init. Isang araw nalang at Disyembre na!

Ang bilis ng panahon ngayon. para bang malingat ka lang saglit, ang dami nang nangyari at lumipas na ang oras.

Ngayong Pasko, malamang sa malamang naghahanda o nag-iisip na tayo ng mga panregalo lalo sa mga inaanak, mga magulang, mga kapatid, mga anak (kung ika'y may anak na), mga kaibigan, mga minamahal, at iba pa.

Regalo nga lang ba ang diwa ng pasko? Pwede bang kahit wala? Sabi nila "it's better to give than to receive"... pero panu kung yung iba, receive na lang ng receive? Hindi naman sila nag give? hahaha....

Speaking of which, anu kaya ang mga pwedeng iregalo na affordable at hindi naman walang kwenta? hihihi.

Sa totoo lang walang sense tong blog post ko. hahaha.. wala lang. naisip ko kasi ito ang paskong tag-init. hahaha. at malapit na nga ang pasko, "eating season" na naman!!! nako hindi pa ako nakakarecover from last year's eating fest, hahaha, kelangan mag diet!

Pagkatapos ng pasko,  bagong taon na naman! ayan na naman tayo sa mga new year's resolution na hindi naman matupad tupad! haha.

pero seriously, sana maganda na ang pasok ng bagong taon ngayong darating na Enero... :)

Sige, hanggang sa muli! Ja!

No comments:

Post a Comment

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape